Connect with us

Business

Ang processo kung paano naging Instant Bilyonaryo

mm

Published

on

Ang processo kung paano naging Instant Bilyonaryo

KAPA MEMBERS 1, 2, 3, 4, 5 GIVE AN AMOUNT OF 10,000 EACH TO KAPA MINISTRY RECIEVED BY ITS FOUNDER- THE PASTOR. AT THE SAME PERIOD OF TIME NEW MEMBERS 6 AND 7 GIVE 20,000 AND 15,000 EACH RESPECTIVELY AS DONATIONS BUT EXPECT TO HAVE 30% RETURN WHERE THEY CALL AS “BLESSINGS”. SO, ALL IN ALL, THERE IS A TOTAL OF 85,000 RECIEVED BY THE PASTOR.

30 DAYS LATER, THIS KAPA MEMBERS ARE VERY EXCITED TO RECIEVE THEIR 30% PAYOUT.

M1 – 3,000
M2 – 3,000
M3 – 3,000
M4 – 3,000
M5 – 3,000
M6 – 6,000
M7 – 4,500
———————
TOTAL 25,500

WITH THAT 85,000 CASH-ON-HAND KEPT BY THE FOUNDER LESS 25,500 PAYOUT.

85,000-25,500= 59,500-LEFT ON THE PASTOR’S POCKET.

THE MEMBERS ARE VERY HAPPY WITH A WIDE SMILE ON THEIR FACES BECAUSE OF THE BLESSINGS THEY RECIEVED. AND MORE HAPPY THE PASTOR IS.

REALITY: TUWANG-TUWA ANG MGA MEMBRO NG KAPA DAHIL SA NATANGGAP NILANG BLESSINGS PERO WALA SILANG KAMALAY-MALAY NA NAGMUMUKHA NA SILANG MGA TANGA.

KINAUMAGAHAN LUMABAS SI PASTOR SAKAY ANG KANYANG BRAND NEW NA MOTORSIKLO.

TO BE CONTINUE..

A WEEK AFTER RECIEVING THE BLESSINGS THEY CALLED, THIS 7 MEMBERS ALREADY BEGUN SPREADING THE BLESSINGS THEY RECEIVED AND TRIED RECRUITING PEOPLE TO INVEST THEIR MONEY TOO IN A FORM OF “DONATION” TO HAVE BACK A 30% PAYOUT AFTER A MONTH.

THEY ARE LUCKY TO CONVINCE ANOTHER 10 PERSON INPUTING 10, 000 PESOS EACH TOTALLED TO 100, 000 RECIEVED BY THE PASTOR.

THE PASTOR WITH A VERY WIDE SMILE IN HIS FACE JUMPING WITH JOY IN HIS SO CALLED ROOM OF FELLOWSHIP SHOUTING HALILEUAH HALILEUAH HALILEUAH..

THE MEMBERS CONTINUED TO WALK UNDER THE HEAT OF THE SUN RECRUITING PEOPLE TO JOIN IN.

WHILE THE PASTOR CLAPPING HIS HAND SITTING PRETTY IN HIS VARNISHED OLD WOODEN CHAIR. KISSING THE BIBLE MURMURING SOME VERSE.

AT THE END OF THE MONTH, TIME FOR THE PAY OUT AGAIN.

YEHEEEEEY ITS A BLESSING AGAIN SAID THE FIRST SEVEN MEMBERS WHICH NOW WE CALLED THEM AS -THE PIONEERS.

THEY NOW AGAIN RECIEVED SAME AMOUNT LIKE THEY GET A MONTH AGO. AND THEY’RE JUMPING SHOUTING TELLING THE NEW RECRUITS FOR THE BLESSINGS.

THE NEW MEMBERS WIDELY SMILES TOO JOINING THE PIONEERS TO THEIR GLORY AND CHEERING THEM AS THEY WITNESS THE PROOF OF THE BLESSING.

REALITY: PARA SILANG MGA TIMANG NA TUWA-TUWA SA BLESSING KUNO NA NATANGGAP PERO YUN LANG DIN NAMAN ANG KANILANG PERA NA INILAGAK.

THE CYCLE GOES ON… MEMBERS ARE SLOWLY GROWING.

THE PASTOR IS NOW CONDUCTING A FELLOWSHIP JUST READING VERSES IN THE BIBLE.

AND THE PASTOR IS NOW RIDING A BRAND NEW CAR HE JUST GOT FROM TOYOTA WITH A CONTRACT OF 2YEARS PAYABLE.

TO BE CONTINUE…

AFTER SIX YEARS KAPA GROWN UP HAVING ABOUT 5MILLION MEMBERS.

WITH THAT, APPROXIMATELY MORE OR LESS 20 BILLION PESOS WORTH OF DONATIONS WERE ACCUMULATED IN THE HAND OF THE PASTOR WITHIN THE EXPAND OF SIX YEARS OF OPERATION.

THE PIONEERS OF COURSE WERE SO VERY LUCKY. THEY SCAPE POVERTY LEVEL AND IMPROVE THEIR LIVES WITH THAT 30% SHARE AND CONTINUE FEEDING THEIR FAMILIES WITH THAT PART OF EASY MONEY WHICH HARDLY EARNED BY INCOMING NEOPHYTE MEMBERS.

ON THE OTHER HAND, NEOPHYTE MEMBERS WERE LIKELY TRAPPED HANGING AND AT RISK.

MEANWHILE, THE PASTOR IS NOW ROAMING AROUND PLACES RIDING HIS TWO CHOPPERS FLYING IN THE SKY.

TRANSPORTED BY HIS BULLETPROOF CAR WHEN MEETING MEMBERS FOR PRAISE OR DEPOSITING AND WITHDRAWING MONEY AT THE BANK.

REALITY: TUWANG-TUWA ANG MGA MEMBRO AT PALAKPAKAN PAG BUMABABA ANG PASTOR SA KANYANG CHOPPER O SA KANYANG BULLETPROOF NA SASAKYAN. PASELFIE-SELFIE PA SILA SA MGA KLASE NG SASAKYANG ITO NA MERON SI PASTOR. HINDI MAN LANG NILA NAISIP KUNG SAAN KAYA KINUHA NG PASTOR NA ITO ANG PINAMBILI NIYA SA MGA KLASING SASAKYANG ITO. SILA AY NAKANGITI SA KAKASELFIE PERO D NILA ALAM NA SA LIKORAN NG KANILANG NGITI AY NABABALOT NG KATANGAHAN.

TO BE CONTINUE….

Panoorin ang paliwanag hingil sa investment scheme o pyramiding..

ctto

Comments

comments

Advertisement
Comments

Business

Fact Checkers Rappler at Vera Files Tahimik sa mga Fake News  at Misleading news ng Media 

mm

Published

on

Fact Checkers Rappler at Vera Files Tahimik sa mga Fake News  at Misleading news ng Media 

Walang kibo, walang aksyon, tahimik ang Facebook Fact Checkers sa mga kumakalat na mga wrong, misleading, half truth, sensionalized news at mga misleading news ng ABS-CBN, Inquirer, CNN, GMA news at ng iba pang media.

Sa mga kumakalat na mga misleading news, half truth kung saan, marami sa mga ulat ng media na walang katotohanan, at half truth (meaning hindi kumukuha ng buong detalye ng report at hindi kumuha ng ulat sa bawat panig) tulad ng “KIKIAM” bakit hindi sila nag tanong sa Hotel na siyang nag hain ng pagkain, kung kikiam nga ba?

In this case, this is a half truth news, kukunin lamang ang panig ng isang party para ma sensationalize at magkaroon ng negative news at masira ang #SEAGAMES at imahi ng bansa.

Another fake news mula sa isang dating reporter ng ABS-CBN, kung saan naglagay ng caption sa isang photo na kung saan makikita sa photo na ginawang table clothe ang watawat ng ating bansa.

Another fake news ng Inquirer, posting wrong photo na kinuha from Nepal, grabi na panira, maka pag balita at makapanira lang, pwedi namang puntahan ang actual aquatic park na kugn saan gaganapin ang #seagames acquatic competition.

Pero tahimik ang rappler at vera files sa mga fales at misleading news. .

 

 

 

 

 

 

 

 

Comments

comments

Continue Reading

Business

Guard na sumita sa isang Transgender na gumamit ng CR pambabae, pweding sampahan ng harassment at Physical Injury

mm

Published

on

Guard na sumita sa isang Transgender na gumamit ng CR pambabae, pweding sampahan ng harassment at Physical Injury

Sinita ni Lady Guard, ang isang transexual woman na si Gretchen, dahil hindi umano ito dapat mag CR sa CR ng babae, at dapat umano gamitin ang CR ng lalaki.

Video: Aug. 13, 2019 mall sa cubao Farmer’s Plaza, nag cr ang isang Transgender na si Gretchen sa cr ng mga babae, pinosasan ng mga babaeng security at dinala sa precinto.

Kinaladkad umano si Gretchen papunta sa guard office ng naturang mall. At sa video, sinapak pa ito at nilalait.

Sa sitwasyong ito, pweding maghain ng kaso, si Gretchen na isang transgender ng harassment at physical injury dahil sa mga sapak ni lady guard.

Opinion: In fairness to the transgender, it would be very awkward if she enters a male CR, with her long hair, boobs and total female look. I think the CR lady cleaner was over acting in her claim that she instead use a male CR. My parameter of claim is due to the fact that trans use cubicles & not urinals because they already underwent sexual alignment procedure. Did she do scandalous thing inside the female CR like not submitting herself to the queue (a thing that is prevalent in female CR)? If she silently does the things other girls do, I dont see any problem with that at all. Hence now, I suggest that all LGBTs should have their own separate restrooms, to respect their individuality and uphold their human rights.

opinion from: SsirOsy Gimotea-Castillanes

Panoorin ang video:

Tanong: discrimination ba ang ginawa sa kanya? Anong masasabi niyo sa incidenting naganap?

Comments

comments

Continue Reading

Business

Walang problema kung mag Invest ang Problema, My license ba to operate?

mm

Published

on

Walang problema kung mag Invest ang Problema, Naka My license ba to operate?

KAPA, NAGTATAGO SA RELIHIYON; PANGLOLOKO ANG OPERASYON

Hanggang ngayon ay blangko pa rin ang isip ng mga nag-invest sa KAPA o Kabus Padatuon (Mahirap Payamanin) matapos ipasara ni Pangulong Duterte sa CIDG at NBI ang operasyon nito sa buong bansa.
Pero bago pa man ang operasyon ng mga awtoridad, nagdeklara na si Pastor Joel Apolinario, founder ng KAPA, ng pagsasara ng kanilang mga opisina sa loob ng 10 araw. Natakot?

Tanong ng mga investors, mababawi pa ba nila ang kanilang pera?
Iyan ang tanong ng karamihan ngayon sa mga miyembro ng KAPA.

Pero batid nila sa kanilang mga sarili na wala silang magagawa sakaling hindi na maibalik ang kanilang pera dahil lumagda sila ng isang kasunduan na ang kanilang inilagak na pera ay maituturing nang donasyon sa naturang relihiyon.

Gayunman, pinakalma naman sila ng mga nang-recruit sa kanila na muli raw magbubukas ang mga tanggapan ng KAPA sa bansa pagkaraan ng 10 araw, ito raw ang pangako sa kanila ni Pastor Apolinario.
Mangyayari naman kaya ito?

Marami ang nagpamiyembro sa KAPA at karamihan sa kanila ay mga OFW, guro, pulis at sundalo. Nag-loan pa nga ang karamihan sa kanila para lang makapag-invest o makapag-donate sa KAPA dahil sa pangakong may 30% na interest ang donasyon nila, ang tawag nila rito ay love gift.

Kapag nag-donate ka ng 1,000, tutubo ito ng 300 pagkaraan ng isang buwan. Kapag nag-donate ka ng 10,000, mayroon kang love gift na 3,000. Tatanggap ka naman ng 30,000 kapag nag-donate ka ng 100,000.
Marami ang nahuhumaling dito kaya yung iba ay hindi muna kinukuha ang love gift nila sa isang buwan, sa halip ay pinaaabot nila ito ng isang taon. Ang tawag nila rito ay pinatulog muna ang pera nila.
At dahil totoong nakatanggap ng love gift, mabilis itong kumalat sa ibang bayan, siyudad, barangay hanggang sa kasulok-sulukan.

Marami ang sumasali sa KAPA dahil sino ba naman ang ayaw ng kumita agad ng pera o easy money.
May mga recruiter ang KAPA. Sila yung mga pumupunta sa mga eskwelahan, mga opisina at kung saan-saan pa para di na magpunta sa opisina ng KAPA ang mga taong gustong sumali rito.
Ang mga nang-recruit ay makakatanggap ng 5% mula sa kanilang na-recruit sa araw ng payout.
Isa nga bang relihiyon ang KAPA Ministry?

Oo, isa itong relihiyon pero ginagamit ng mga pamunuan ng KAPA ang relihiyon para makapangloko sa mga tao.

Sa halip na ipalaganap ang mga salita ng Diyos, tinuruan ni Pastor Apolinario ang mga tao na maging sakim sa salapi at maging maibigin sa mga materyal sa sanlibutan.
Halos lahat ng mga sumasali sa KAPA ay hindi para sumamba sa Diyos kundi dahil sa pera.
Ang mga miyembro ng KAPA ay mayroon din mga relihiyon.

Magkano kaya ang abuloy nila sa kinaaaniban nilang relihiyon?
Pero ang abuloy nila sa KAPA ay mula sa utang o loan, binentang lupa, sakahan, mga hayop gaya ng kalabaw, baboy, baka at iba pa.
Lahat ng ito ay dahil sa love gift.

Sa palagay n’yo, kaya ba nagpamiyembro ang mga tao sa KAPA ay para sa Diyos? Malinaw na hindi. Malinaw na dahil sa pera.

Saan ba kinukuha ng KAPA ang ibinibigay na love gift nila? Galing sa mga bagong miyembro. Ibig sabihin, kapag wala nang bagong miyembro, lulubog ang relihiyon ni Apolinario. Ito ang dahilan kung bakit masigasig sila sa pangre-recruit. Walang nagrereklamo dahil marami pa naman ang gustong magpamiyembro.

Kasunod ng pag-raid ng NBI at CIDG sa mga tanggapan ng KAPA, nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang operasyon ng relihiyon na ito. Wala nang magpapamiyembro. At kapag umabot ito ng isang buwan, dito na magsisimula ang dagok ng KAPA.
Makakapag-operate pa ba ang KAPA?

Malinaw na hindi na. Ito ay matapos na bawiin ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang certificate of registration ng KAPA Community Ministry International Inc.
Idineklara na rin ng SEC ang KAPA bilang scam.

Nagpalabas na rin ng freeze order ang Court of Appeals (CA) sa lahat ng bank accounts ng KAPA pati na rin sa mga ari-arian nito.

Inatasan na rin ng DOJ ang ating Immigration na bantayan ang mga airport at pantalan sa bansa baka tumakas palabas ng bansa si Apolinario kasama na ang mga pamunuan ng KAPA.
May niluluto na ring mga kasong kriminal laban sa kanila.

Masasabi kong mautak ang nasa likod ng KAPA dahil sa paggamit nila ng relihiyon. Hiwalay kasi ang gobyerno sa relihiyon. Ibig sabihin, hindi maaaring mangialam ang istado sa relihiyon.
Matalino man ang matsing, naiisahan din.
At dahil sa pangongolekta ng KAPA ng pera sa mga miyembro nila kapalit ng malaking interes o tubo, malinaw na isa itong uri ng panloloko.

Walang investment company sa Pilipinas na nagbibigay ng 30% sa kanilang mga investors. Mga investment scam lang ang gumagawa nito.
Sa kaso sa mga miyembro ng KAPA, masaya ‘yung mga nauna na o nakapag-payout na. Paano na ngayon ‘yung mga nasa huli na at nagpapatulog ng pera?

Nagpatawag ng prayer rally ang pamunuan ng KAPA sa Gensan, may pupunta naman kaya?
Hihilingin daw nila kay Pres. Duterte na payagang makapag-operate ang KAPA.
Ang mga miyembro ng KAPA ay walang ibang hinahangad ngayon kundi maibalik ang kanilang pera. Kahit wala nang tubo okey na.
Pwede palang kunin ang abuloy?

Kung anuman ang sasapitin ng pera ng mga miyembro ng KAPA, si Batman na lang ang nakakaalam.
Pero sa kabila nito, magiging leksyon na sana sa ating mga kababayan ang nangyayari sa kanila.
Umaasa tayo na maibalik pa rin sa kanila ang kanilang pinaghirapang pera.

2 Kay Timoteo 3:1-6 (Ang Dating Biblia)

1Datapuwa’t alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. 2Sapagka’t ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan, 3Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti, 4Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; 5Na may anyo ng kabanalan, datapuwa’t tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.

(c) Even Demata

 

Comments

comments

Continue Reading

Trending

Copyright © 2017 hosted by hornhost.com